-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Police Regional Office-10 (PRO-10) na limang pribadong sasakyan ang sinunog ng aabot sa 10 armadong kalalakihan sa Sitio Aurora, Brgy. Sto Nino, Manolo Fortich, Bukidnon.

Sinabi ni PRO-10 spokesperson Lt. Col. Surki Serenias, na natukoy na nila ang isa sa may-ari ng mga saksakyan at nagpapatuloy pa ang kanilang hot pursuit operation.

Samantala, sa panayam naman ng sa ilang mga residente sa nasabing bayan, inihayag nila na isang barangay tanod ang nagkumpirma na mga miyembro ng New People’s Army ang nagsunog sa limang sasakyan tanda ng kanilang paghihiganti.

Agad na naglunsad nang pagresponde ang pulisya at militar kaya humantong sa ilang minuto ang engkuwentro subalit walang naitala na sugatan sa dalawang panig.