-- Advertisements --

Malugod na sinalubong ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, ang limang Filipino seafarers mula sa MV Transworld Navigator na dumating sa NAIA Terminal 3 kaninang hapon.

Kasama ni Secretary Cacdac sina DMW Asst. Secretary for Sea-based OFW Concerns Jerome T. Pampolina at OWWA Deputy Administrator Honey Quin̈o.

Ito ang unang batch ng 27 Filipino seafarers na kasama sa barko na inatake ng Houthi rebels noong nakaraang linggo habang lumalayag sa Gulf of Aden.

Ayon kay Asec. Jerome Pampolina, pabalik na rin sa bansa ang iba pang tripulante, at inaasahan ang dating ng mga ito bandang July 2 at 3.

Ang mga repatriated seafarers ay tumanggap naman ng financial at iba pang uri ng tulong mula sa pamahalaan.

Isinagawa ang repatriation sa pakikipagtulongan sa licensed manning agency at sa shipowner.