-- Advertisements --
image 256

Pinagpapaliwanag ngayon ng Philippine National Police ang limang security detail ni dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo kaugnay ng hindi pag duty nito noong araw ng pagpatay sa nasabing gobernador.

Bukas ay nakatakdang humarap ang limang security detail sa House of Representative upang magkaroon ng chance na maipaliwanag ang dahilan ng kanilang hindi pag duty noong March 4,2023.

Itong mga security detail umano ay personal na pinili ng gobernador.

Samantala, binigyang diin naman ni Police General Azurin Jr. na walang mangyayaring cover up sa isinasagawang imbestigasyon.

Aniya, isang gobernador ang nawala at titiyakin umano ng Philippine National Police na mahuhuli ang mga sangkot sa pagpaslang.

Sa ngayon, ang peace and order naman raw sa Negros Oriental ay in control at tuloy tuloy naman ang business ng mga tao doon.

Nagsasagawa lang umano ng kalat kalat na checkpoints upang masiguro ang seguridad ng lugar kaugnay narin ng isinasagawang hot pursuit.

Malaki naman ang kumpiyansa ng Philippine National Police na mareresolba ang kasong ito dahil anila bantay sarado ang exit areas ng nasabing probinsya.