Limang senior officers ng Philippine Coast Guard ang nominado ngayon bilang susunod na pinuno ng Philippine Coast Guard.
Ito ay upang humalili sa puwestong iiwan ni PCG commandant Admiral Artemio Abu na nakatakda nang magretiro sa serbisyo sa darating na Oktubre 19, 2023.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, kabilang sa mga napipisil na pumalit kay Abu ay sina Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan, Vice Admiral Ronnie Gil Gavan, Vice Admiral Joseph Coyme, at Vice Admiral Allan Victor Dela Vega, at Vice Admiral Roy Echeverria.
Aniya ang naturang mga kandidato ay dadaan pa sa mabusising proseso kung saan isasailalim ang mga ito sa series of interviews at nakatakda ring humarap sa senior leadership ng Department of Transportation para makilatis bago mag-endorso ang naturang kagawaran ng mga pangalan sa Office of the President.
Ngunit paglilinaw ni Balilo, sa kabila nito ay may kapangyarihan pa rin si Pangulon Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga ng bagong commandant ng PCG bukod sa limang senior officers na nominado sa posisyong ito. // amrs