-- Advertisements --

ROXAS CITY – Totally burned ang limang silid aralan ng Vicente Andaya National High School sa bayan ng Sigma, Capiz matapos nasunog.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Reynaldo Crespo, faculty teacher ng nasabing paaralan, sinabi nito nagsimula ang apoy sa isang silid aralan malapit sa computer laboratory hanggang kumalat ito at nasunog din ang iba pang silid aralan.

Nabatid na isang residente na bumili ng yelo ang nakakita sa nasusunog na paaralan na kaagad humingi ng tulong sa mga residente na malapit ang bahay sa eskwelahan.

Tumagal ng 30 hanggang 45 minuto bago naapula ang apoy ng mga nagrespondeng mga bombero na mula sa tatlo na fire stations.

Samantala ayon kay Crespo na tinatayang umaabot sa P1 million ang naging pinsala ng sunog sa isang buong gusali ng nasabing paaralan.

Umapela naman ng tulong sa mga magulang ng mga estudyante si Crespo na tulungan sila sa paglilinis sa paaralan dahil walang suspension of classes na mangyayari sa kabila na limang silid aralan ang natupok ng apoy, dahil pansamantalang gagamitin ng mga estudyante ang covered gym at available na mga classroom.