-- Advertisements --

Umabot sa 5 silid-aralan ang natupok ng apoy habang isa naman ang partially damaged sa tumamang sunog sa isang paaralan kahapon ng umaga, Abril 21, sa Barangay Molobolo, bayan ng Vallehermoso Negros Oriental.

Nangyari ang sunog sa Molobolo Elementary School kung saan nagsimula ang apoy sa ibabang silid-aralan ng naturang paaralan at agad na kumalat sa iba pang classroom.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu kay SF01 Garry Galan, chief of Operations ng Vallehermoso BFP, sinabi nito na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang job-order na nadestino sa nasabing paaralan dakong alas 10:15 ng umaga.

Sinabi pa ni Galan na isang 14-anyos umano ang unang nakapansin sa sunog sa likurang bahagi ng isang silid-alaran na agad naman nitong ipinagbigay-alam sa caretaker ng paaralan.

Kontrolado naman ang sunog 10:50 ng umaga at idineklarang fireout pasado 11:00 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente ng sunog.

Tinatayang nasa humigit kumulang kalahating milyong piso ang halaga ng pinsalang naitala sa nangyaring sunog.

Payo naman nito sa publiko na ugaliing patayin ang plangka bago iwanan ang bahay upang maiwasan ang hindi inaasahang sunog.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng naturang sunog at inaalam kung ito ba’y sinadya dahil magkalayo naman aniya ang tig-tatlong mga silid-aralan.