-- Advertisements --
Patay ang limang skiiers sa dalawang magkahiwalay na avalanches sa French Alps.
Nangyari ang unang avalanch sa Val-Cenis sa south-eastern Savoie region na ikinasawi ng apat na Norweigan skiers.
Habang nasawi angisang skiers sa north Haute-Savoie region malapit sa Chamonix.
Tatlo sa mga Norweigans ang agad na nasawi habang ang ikaapat na isang babae ay nasawi malapit sa pagamutan matapos nagtamo ng hypothermia at cardiorespiratory arrest.
Bahagi ang mga biktima sa mas mataas na grupo ng pitong skiers at ang natitirang tatlo ay hindi nasaktan.