-- Advertisements --
Ibinunyag ng Spanish league football club na nagpositibo sa coronavirus ang limang manlalaro nila.
Hindi na idinetalye pa ng liga ang pangalan ng mga manlalaro at mga clubs nila mula sa first and second division.
Ayon sa Spanish league walang nakitang sintomas ang mga nagpositibo na manlalaro at papayagan lamang silang makapag-ensayo kapag mag-negatibo na sila sa testing ng dalawang beses.
Noong nakaraang linggo kasi ay niluwagan ng Spain ang lockdown kung saan pinayagan ang mga soccer players na makapag-ensayo.