-- Advertisements --
Santa Clarita north LA
Santa Clarita north LA

Sugatan ang limang katao matapos ang naganap na pamamaril sa loob ng high school sa California.

Naganap ang insidente sa Saugus High School sa Santa Clarita north ng Los Angeles.

Tinukoy ng mga kapulisan ang suspek na isang Asian male na nakasuot ng itim na damit.

Isinara ang paaralan at maging ang ilang mga establishimentong katabi nito dahil sa nangyaring pamamaril.

Pinaalalahanan din ng mga kapulisan ang kanilang mamamayan na isara ang kanilang bahay para hindi makapasok ang nasabing suspek.