-- Advertisements --

Lima ang sugatan, kabilang ang isang miyembro ng Civilian Active Auxilliary at apat na sibilyan matapos paulanan ng bala ang BPAT’s outpost sa may vicinity ng Sitio Bohe Pahut, Barangay Central Sumisip, Basilan kaninang umaga bandang alas-8:30 ng umaga.

Sa report na ibinigay ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesperson Maj. Arvin Encinas hinarass ng hindi mabilang na armadong grupo na hinihinalaang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Sayyaf ang ginagawang BPAT’s outpost.

Grupo umano ni ASG Sub-leader Pasil Bayali ang nanguna sa nasabing pag-atake.

Kaagad naman rumisponde ang mga tropa ng 68th Infantry Battalion pero tumakas din agad ang teroristang grupo.

Kasalukuyang ginagamot na sa isang hospital sa Isabela City ang limang sugatan kabilang ang isang menor-de- edad.

Inihayag pa ni Encinas na ongoing na rin ang kanilang hot pursuit operations laban sa grupo ni Bayali.