Limang pasahero ang nagtamo ng sugat at galos matapos ang banggaan ng isang pampasaherong bus at sasakyan ng pulis sa EDSA busway.
Sa video na inilabas ng Department of Transportation, sapul sa dashcam footage ng naturang bus ang pagsalpok nito sa railing ng MRT-3, Santolan south bound station.
Ito ay matapos na tangkain ng driver ng bus ang biglang pagpasok ng isang police car sa EDSA Busway.
Dahil sa nangyaring insidente ay nagtamo ng galos, bukod, at matinding pagkahilo ang limang mga pasaherong sakay ng naaksidenteng bus.
Agad naman silang narespondihan ng ambulansya mula sa QC LGU at kasalukuyan nang nasa ligtas na kondisyon.
Kaugnay nito ay muling nagpapaala ang DOTr sa lahat na tanging ang mga authorized vehicle lamang ang maaaring pumasok at dumaan sa loob ng EDSA Busway, kasabay na rin ng paalala nito sa lahat ng mga motorista na maging maingat dahil prayoridad pa rin ang kaligtasan ng bawat isa sa lahat ng oras. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)