-- Advertisements --
Nasa ligtas nang kondisyon ang limang nagtamo ng sugat sa sunog sa Tondo, Manila kaninang tanghali.
Ayon kay Fire Insp. Joseph Jalique, chief investigator ng Bureau of Fire Protection-Manila, umabot sa fourth alarm ang fire incident sa residential area.
Sinabi ng opisyal na isa sa nakikitang sanhi ng pangyayari ay overloading ng electrical appliances.
May ilan kasing nakakita ng pag-spark bago kumalat ang apoy.
Mabilis namang lumaki ang sunog dahil gawa sa light materials ang karamihang bahay doon.
Sa kabuuan, mahigit 500 katao ang naapektuhan sa pangyayari.