-- Advertisements --

Kinasuhan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anim na sundalo kabilang ang isang opisyal matapos nahuling nagnakaw sa Marawi.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na pawang mga miyembro ng Philippine Army (PA) ang anim na sundalo at kabilang sa iisang team na nag operate laban
sa mga teroristang Maute.

Sinabi ni Brawner na restricted to barracks na ang anim na mga sundalo at isasailalim sa court martial.

Pinabalik na rin ang mga gamit na kanilang kinuha mula sa mga bahay.

Nilinaw naman ni Brawner na bago umalis ang mga sundalo ng Marawi ay isinasailalim sa inspection ang kanilang mga personal gamit.

Maging ang mga military vehicles na umalis ng Marawi ay isinailalim sa inspection.

Giit nito na kanila ng binalaan ang mga sundalo na huwag kumuha ng mga bagay na hindi sa kanila.