-- Advertisements --
Patay ang limang sundalo ng Syria matapos ang airstrike ng Israel sa Damascus International Airport.
Ayon sa ministry of defense , na-intercept ng Syrian air defense ang pag-atake at nagawang maharanag ang karamihan sa mga missiles mula sa Israel.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung naapektuhan ang operasyon itinuturing na busiest airport sa naturang bansa.
Una rito, mas umigting pa ang pagpapakawala ng airstrikes ng Israel sa mga paliparan ng Syria upang mapigilan ang paggamit ng Iran government ng aerial supply lines para magpadala ng mga armas sa kaalyado nitong Syria at Lebanon kabilang ang Hezbollah na isang militanteng grupo at Lebanese Shia Islamist political party.