-- Advertisements --

Limang sundalo sugatan sa panibagong engkwentro sa probinsiya ng Sulu.

Una rito, nakasagupa ng 5th Scout Ranger Battalion sa Barangay Pansul, Patikul, Sulu ang isang grupo ng Abu Sayyaf.

JTF

Ayon kay JTF Sulu commander Maj. Gen. William Gonzales, nagsagawa ng blocking operations ang mga tropa ng 3rd Scout Ranger Battalion (3SRB) na ‘di kalayuan sa unang engkwentro nang makasagupa nila ang mga nagsisitakas na tauhan ng ASG.

Ayon kay Lt. Col. Felicito Cutit, commander ng 3SRB, tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok kung saan sugatan ang limang mga sundalo.

Pinaniniwalang marami rin ang casualty sa hanay ng Abu Sayyaf batay sa mga bakas ng dugo.

Nagsitakas naman ang mga terrorista, tangay ang kanilang mga sugatang kasamahan.

Narekober sa encounter site ang 5.56mm linked ammunition, isang 5.56mm magazine, at mga personal na gamit ng mga kalaban.

Ayon kay 1101st Infantry Brigade commander Col. Antonio Bautista, nasa stable condition na ang mga sugatang sundalo matapos dalhin ang mga ito sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital.