BUTUAN CITY – Kinumpirma ni General George Banzon, commanding officer ng 901st Brigade, Philippine Army na lima niyang mga tauhan ang sugatan sa engkwentro kahapon laban sa mga rebeldeng NPA sa Brgy. Tinago, bayan ng Malimono, Surigao del Norte matapos unang ratratin ng mga rebelde ang kanilang patrol base.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Gen. George Banzon na dahil sa ginawa ng mga rebelde ay nagsitakbuhan ang mga residente dahil ang line of fire ng mga rebelde ay patungo sa komunidad ng mga sibilyan.
Kahit na walang sugatan sa mga sibilyan, aminado ang opisyal na naghatag nagbibigay ito ng malaking takot sa mga tao lalo na’t nalagay sa delikado ang kanilang buhay.
Napag-alamang unang gumamit ng improvised explosive device ang mga rebelde na dali namang niresbakan ng mga sundalo resulta sa naganap na engkwentro hanggang sa tumakas na ang mga rebelde.
Narekober sa encounter site ang 14 na basiyo ng bala ng AK47 rifle at mahigit 20 basiyo naman ng M16 rifle.