CAGAYAN DE ORO CITY – Patay sa pinag-isang operasyon ng pulisya at militar ang limang pinaghinalaan na mga sakop ng Dawlah Islamiya sa madugo na engkuwentro sa Brgy Bangco,Sultan Naga Dimaporo,Lanao del Norte.
Pinangunahan ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG 9) na sinamahan ng puwersa ng Police Regional Office 10 units at Philippine Army ang pagsilbi sana ng warrant of arrest laban sa mga armadong personalidad subalit hindi pa man sila nakarating sa hideout ay sumalubong na ang mga bala.
Ito ang dahilan na sumagot rin ng mga putok ang tropa ng gobyerno na humantong ng kalahating oras ang engkuwentro na nag-resulta ng mga pagkasawi ng suspected DI members.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala,kinilala ang isa sa mganasawi na si Uya Dama alyas Lagbas na taga-Malangas,Zamboanga Sibugay.
Sinabi ni Dema-ala na nais sana isilbi ng government forces ang warrant of arrest laban kay Uya ng kasong kidnapping na pending sa korte ng Zamboanga Simbugay subalit nagresulta ng madugo na engkuwentro.
Samantala,wala naman naiulat na nasawi o sugatan sa panig ng government operating troops.
Narekober sa posisyon ng mga nasawi ang tig-tatlong M-16 at Garand rifles; 2 pistols;klase-klaseng magazines;2 granada at assorted ammunitions.