Hinatulan nang parusang kamatayan ng korte sa Saudi Arabia ang limang mga suspek sa nangyaring karumal dumal na pagpatay sa Saudi journalist na si Jamal Khashoggi sa loob ng kunsulada sa Turkey noong nakaraang taon.
Kinumpirma ng Saudi public prosecutor na limang mga akusado ang pinatawan ng death sentence, habang tatlong iba pang mga suspect ang hinatulang makulong ng hanggang 24 taon matapos na patayin sa pamamagitan ng pagpira-piraso ang katawan ni Kashoggi sa loob ng embahada ng Saudi na nasa Istanbul, Turkey.
Isa namang dating high-profile Saudi royal adviser na si Saud al-Qahtani ang inabswelto.
Kung maalala si Khashoggi na nakatira na sa Amerika ay matinding kritiko ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman (MBS).
Si Salman naman ay mariing itinanggi na may alam siya sa kabila nang pahayag ng Central Intelligence Authority (CIA) na may kinalaman ang prinsipe sa Kashoggi killing.
Ang Saudi writer na si Kashoggi na isa ring columnist ng Washington Post ay pinatay sa loob ng Saudi consulate noong October 2, 2018 upang humingi sana ng dokumento para mapakasalan ang kanyang bagong girlfriend.
Matapos ang ilang linggo na pagtanggi ng kaharian ng Saudi umamin din ito na ilang opisyal nila ang nasa likod sa pag-chop chop sa katawan ni Kashoggi na hanggang ngayon ay hindi pa rin makita.