-- Advertisements --
Naaresto na ang limang suspek na bumaril sa baseball legend David Ortiz.
Ayon sa mga kapulisan ng Dominican Republic, umamin ang mga suspek na sila ay binayaran ng $8,000 para patayin si Ortiz.
Lulan ng dalawang kotse at isang motorsiklo ang mga suspek ng isagawa ang pamamaril.
Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan kung sino ang nag-utos sa mga suspek.
Magugunitang nitong Linggo ay binaril sa Ortiz habang nasa isang club sa Dominican Republic kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa kayang hita.
Patuloy pa rin itong nagpapagaling sa pagamutan.