-- Advertisements --

BAGUIO CITY- Nakilala na ang lahat ng limang piainiwalaang hijackers na napatay ng mga pulis sa Benguet matapos mauwi sa engkwentro ang hot pursuit operation sa mga ito, madaling araw ng June 30, 2021.

Ito ay matapos makilala ang ikalima at panghuling suspek na si Nicolas Esguerra Cuellar, 41 y/o, electrician, tubo at residente ng Mexico, Pampanga.

Batay sa report, nagtungo ang asawa ng suspek ti tanggapan ng pulisya sa Tuba, Benguet at dito nakumpirma ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidual.

Ayon sa asawa ni Cuellar, matagal na silang hiwalay ng suspek at may kinakasama itong iba.

Ibihahagi pa niya na una nang kinasuhan si Cuellar nga patong-patong na kaso ng pagnanakaw.

Sa hiwalay naman na panayam ng kapulisan sa live in partner ni cuellar, sinabi niya na umaga ng June 28 ay sinundo siya ng isa sa mga suspek na una nang nakilala na si Ryan Pangilinan para magtungo sa Bulacan at magtrabaho bilang construction worker doon ngunit nalaman na lang daw niya na patay na ang kanyang kinakasama.

Ani pa niya, una nang naaresto si Cuellar at nakulogn sa Pamapanga Provincial Jail dahil sa kaso sa iligal nga droga at kalalabas lang umano noong Mayo.

Naihatid na ang bankay ng suspek San Fernando, Pampanga.

Maaalalang nakilala na rin ang apat sa mga kasama ni Cuellar kung saan mismong mga kamag-anak ng mga ito ang kumilala sa kanila.

Nakilala ang mga itong sina Mark Ian Tolabut Gonzalez, 38-anyos, residente ng San Fernando Pampanga; David Dassala Rapal Jr, 40-anyos, residente ng San Fernando, Pampanga; Ryan Amurao Pangilinan, 41-anyos, truck driver, residente ng Mexico, Pampanga at si Relly Amurao Castillo , 43-anyos, construction worker, residente ng Arayat, Pampanga.

Maaalalang nangyari ang pag-hijack ng mga suspek sa isang wing van truck sa La Trinidad, Benguet habang nangyari ang engkwentro sa Tuba, Benguet nang pagbabarilin ng mga suspek ang mga humababol sa kanilang mga pulis na nauwi sa pagka-neutralize ng mga ito.