-- Advertisements --

Kinasuhan na ng Los Angeles Police Department ang limang mga suspeks na umano’y may kinalaman sa pagnanakaw sa dalawang alagang aso ng pop superstar na si Lady Gaga.

Una nang tinangay ang mga alagang bulldogs ni Lady Gaga sa Hollywood noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.

Lady Gaga

Kanina kinumpirma ng mga otoridad ang pagkakaaresto na sa mga suspek.

Apat daw sa mga ito ay kilalang mga street gang members habang ang ikalimang suspek ay isang babae na siyang naghatid sa mga aso noong buwan ng Pebrero sa pulisya matapos na mag-alok ng reward money ang singer na katumbas ng P25 million.

Noong mangyari ang pagtangay sa mga aso ay nagkataong nasa Roma, Italya si Lady Gaga na nagso-shooting.

Ang kasambahay o dog walker ni Lady Gaga na si Ryan Fisher, 30, ay binaril sa dibdib ng mga suspek hanggang sa matangay ang mga aso.

Ang ikatlong aso naman ay nakatakas.