-- Advertisements --

Hawak na ngayon ng PNP-CIDG ang limang mga suspek na umano’y sangkot sa pagpatay kay dating Batangas 2nd District Representative Edgar Mendoza.

Ito ang kinumpirma ni PNP-CIDG director Brig. Gen. Joel Coronel.

Ayon kay Coronel isinasailalim pa sa imbestigasyon ang limang mga suspek.

Hindi pa maidetalye ni Coronel ang direktang partisipasyon ng mga suspek sa pagkamatay ni Mendoza.

Pero sinabi nitong isa sa limang suspek ang mismong mastermind, isa rin dito ang sumaksak at bumaril sa mga biktima kasama si dating Congressman Mendoza, body guard at drayber nito.

Pagkatapos ay sinunog ang sasakyan noong January 9, 2019.

Sinasabing financial at legal dispute ang nakikitang motibo ng PNP sa pagpatay sa dating mambabatas.

Mahaharap ang mga suspek sa three counts of murder.

Tumanggi munang pangalanan ni Coronel ang limang suspek dahil ongoing pa raw ang kanilang follow up operations.

Nakumpirma na rin base sa DNA test na ang nakitang patay na cadaver sa nasunog na sasakyan ay si Mendoza.