-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagtamo lang ng mga minor injuries at pasa sa katawan ang mga pasaherong sakay ng dalawang sasakyang nagkabanggaan nitong alas-10:20 ng Biyernes ng umaga sa crossing sa Barangay Lemon, lungsod ng Butuan.

Ayon kay PLt. Abel Bulawan, tagapagsalita ng Butuan City Police Office sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, limang mga pulis na miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa Agusan del Sur ang sakay ng kanilang service vehicle na nabangga sa multicab pick-up type vehicle na minamaneho ni Danilo Palason, 50-anyos, residente ng Brgy. Malapong, Buenavista, Agusan del Norte habang sakay si Hermelina Aperejado.

Kahit na mga minor injuries lang ang natamo ng mga sakay ngunit parehong may mga danyos ang dalawang sasakyan.