-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos na malunod sa ilog na na bahagi ng Barangay Badiangan, Banga, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Jhon Alejo Navarra at residente ng Barangay Daguitan, Madalag, Aklan.

Ayon sa kaniyang ina na si Jovelyn, kasama ng bata ang kaniyang ama na pumunta sa ilog upang maligo.

Ngunit sa kasawiang palad ay inanod ang bata nang iniwanan ng kaniyang ama sa quarry site nang siya ay saglit na nanghuli ng isda.

Dagdag pa ng ginang, hindi umano napansin ng kaniyang asawa na nalunod na ang kanilang anak kaya inabot ng tatlong oras bago nakita ng mga rumespondeng Philippine Coast Guard (PCG) Aklan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Kalibo ang bangkay ng bata.