-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Labis ang kalungkutan ng isang ina matapos mahulog sa balon at masawi ang kanyang limang taong gulang na anak na lalaki sa Barangay Puis, New Washington, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Richard Iray, bunso sa anim na magkakapatiad at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Arriane Iray, ina ng biktima na bigla siyang kinabahan matapos na sa kanyang pag-uwi dakong alas- 11 ng umaga mula sa kanyang trabaho sa palayan ay hindi na niya nakita ang kanyang anak.

Nakasanayan na umano niyang palaging gumagala ang anak kasama ang mga kalaro.

Sa halos isang oras na paghahanap, nakita ito ng isa sa kanyang anak na babae na palutang-lutang sa balon sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa kalagitnaan ng palayan kung saan nangingitim na at naninigas.

Isinugod pa ito sa Aklan Provincial Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival.

Nabatid na ang balon na lampas tao ang lalim ay walang anumang harang na delikado lalo na sa mga bata.