-- Advertisements --
image 537

Posibleng simulan na raw ng Philippine National Railways (PNR) ang limang taong tigil operasyon sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Philippine National Railways General Manager Jeremy Regino, ang una raw na ihihinto ay ang operasyon ng Alabang papuntang Calamba.

Pagsapit naman ng buwan ng Oktubre, ay ihihinto naman ang Tutuban patungong Bicutan o Tutuban patungong Alabang at Governor Pascual mula Malabon hanggang Tutuban.

Sinabi naman ni Regino na ang petsa ng tigil operasyon ay puwede pang mabago.

Una nang sinabi ng Philippine National Railways na ang pansamantalang tigil operasyon ay para mabigyang daan ang construction ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Ang pansamantalang tigil operasyon ay inaasahang makakaapekto sa 30,000 commuters.

Dahil dito, sinabi ni Regino na pinag-aaralan na nila ang pagkakaroon ng alternative modes of transportation sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local governments.

Una nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Tech Division head Joel Bolano na puwedeng gamiting augmentation kapag pansamantalang itinigil ang operasyon ng Philippine National Railways ang mga jeep at bus.