Binatikos ni five-time Grammy winner Celine Dion ang paggamit ng kampo ni dating US President Donald Trump sa kanyang kantang ‘My Heart Will Go ON’ sa isang political Rally sa Montana, USA.
Nitong araw ng Sabado ay pinangunahan ni Trump ang rally sa Bozeman, Montana bilang pagsuporta sa isa nitong ka-lineup na tumatakbo sa pagka-Senador.
Kasabay ng naturang rally ay ipinatugtog ang nasabing awitin at ipinalabas ang ilang footage nito sa big screen na ginamit sa naturang rally.
Ayon kay Dion, hindi otorisado ang paggamit ng naturang awitin.
Nanindigan din ang five-time Grammy winner na hindi niya ito ineendorso, o iba pang kahalintulad na paggamit sa kanyang sikat na kanta.
Mistulang ikinainis din ni Dion ang paggamit sa naturang kanta matapos niyang kuwestiyonin kung bakit iyon pa ang napili.
Si Dion ay ipinanganak sa Canada at kinikilala bilang “Queen of Power Ballads”