-- Advertisements --
Nasa limang tonelada ng cocaine na nagkakahalaga ng mahigit $1 billion ang nakumpiska ng mga otoridad sa Germany.
Nakuha ito sa isang container sa northern port city sa Hamburg.
Idineklara na ang lamang ng mga container ay soybeans na mula sa Uruguay patungo sana sa Antwerp, Belgium.
Nakalagay sa 200 na itim na duffel bags na bawat bags ay may laman ng 4,200 pakete ng cocaine.
Itinuturing na ito na ang pinakamalaking droga na nakumpiska sa nasabing bansa.
Taong 2017 ay nakakumpiska ang mga otoridad ng Germany ng aabot 4.2 tonelada ng cocaine sa Hamburg na nagkakahalaga ng $800 million.