GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa limang dumptruck ang nahakot ng Waste Management Office (WMO) mula sa mga campaign paraphernalia sa ginawang paglilinis.
Nagpapasalamat si Nonoy Pareja, head ng WMO, sa lahat ng tumulong sa pagbaklas ng mga campaign materials kagaya ng tarpaulins, posters at iba, makaraan ang ginanap na eleksyon.
Aniya, hindi pa kasali sa nasabing limang truck ng basura ang mga nahakot ng ibang grupo na tumulong din sa pagbabaklas.
Nabatid na pati ang mga taga-barangay, mga pulitiko, nanalo man o natalo, kasama ang ilang mga grupo ng concerned citizens ang tumulong sa nasabing cleanup drive, bagay na pinuri ng WMO.
Itinabi naman ang mga pwede pang magamit at mapakinabangan kagaya ng mga tarpaulin para i-recycle.
Habang ang iba ay dinala sa sanitary landfill ng lungsod sa Brgy Sinawal upang i-shred ng machine at gawing bricks.
Una nang paulit-ulit na umapela ang Bombo Radyo Philippines sa publiko para sa paglilinis ng kapaligiran.