-- Advertisements --

Narekober ang nasa 5 underwater drones sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas noong 2024.

Ayon Kay Philippine Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, isa sa narekober na drones ay may Chinese markings na natagpuan sa katubigan ng San Pascual, Masbate noong Disyembre 30, 2024.

May 2 underwater drones ang narekober sa Calayan island, 1 sa Pasuquin, Ilocos Norte, at 1 sa katubigan ng Initao, Misamis Oriental.

Ang nasabing mga drone ay isinurender sa mga awtoridad ng mga lokal na mangingisda.

Ayon kay Rear Adm. Trinidad ang narekober na devices ay mahirap madetect kapag nasa ilalim ng karagatan subalit nakita ito sa surface bagamat maliit lamang na nasa 2.5 meters hanggang 3.5 meters ang haba.

Aniya ang mga lugar kung saan natagpuan nag underwater drones ay nautical highways o choke points na mahalaga pagdating sa maritime traffic.