Tinatayang P12 million o katumbas ng $244,000 ang ipinagkaloob ng US Agency for International Development (USAID) sa limang unibersidad sa Pilipinas na ilalaan para sa research at innovation ngayong pandemic sa ginanap na Widening Applications of Research within the Pandemic” or WARP grant virtual launch kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng US-Philippines diplomatic relations.
Kabilang sa mga unibersidad na makakatanggap ng WARP grant ay ang University of San Carlos sa Visayas Region, isang grupo mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University na pag-aaralan ang properties ng high-value extract mula sa ube at corn para gamitin bilang ready to eat food at pamalit sa food coloring.
Kasama rin ang University of the Philippines-Visayas, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology at isang team mula sa Mariano Marcos State University para naman sa expand village-scale ethanol production sa Ilocos region para ma-sustain ang suplay ng kinakailangang disinfectants para sa public health use.
Malaking tulong ang WARP grant para sa mga unibersidad sa bansa upang matugunan ang panibagong hamon na dulot ng COVID-19 crisis.
Simula noong 2013, nasa 60 research group na mula sa 20 higher education institutions ang napagkalooban ng USAID sa pamamagitan ng proyektong STRIDE (Science, Technology, Research and Innovation for development) sa buong bansa. (with reports from Bombo Everly Rico)