-- Advertisements --
Nakapagtala ng 5 volcanic earthquakes ang bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas ngayong araw ng Huwebes.
Sa findings ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa obserbasyon nito sa nakalipas na 24 oras, kabilang sa naitalang aktibdad ng bulkan ang 3 volcanic tremors na nagtagal ng 2 minuto bawat isa.
Sa ngayon nananatili naman sa Alert Level 1 o low-level of unrest ang bulkang Taal.
Sa ilalim ng naturang alert level sa bulkan, ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan gayundin ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Ito ay dahil sa posibleng dulot na panganib nito gaya ng biglaang pag-alburuto ng bulkan, volcanic earthquakes, pagbuga ng abo at volcanic gas.