Hindi pa rin mapigilan ang pamamayagpag ang Milwaukee Bucks nang iposte nila ngayon ang NBA-best 30-5 record.
Muli na ring nagbalik sa game si Giannis Antetokounmpo makalipas ang dalawang beses na hindi nakalaro bunsod ng sore back.
Ang reigning MVP ay agad kumamada ng 23 points at 10 rebounds para sa 123-102 victory kontra sa Chicago Bulls.
Kumpiyansa naman si Antetokounmpo, ang league’s second-leading scorer na may average na 30.5 points per game, ay nagsabing malaki pa ang oportunidad ng Bucks na gumaling lalo ang inilalaro.
Tumulong din sa Greek freak sina Khris Middleton na umiskor ng 25 points at si Eric Bledsoe ay pumuntos ng 15 points.
Ang Bulls ay nasadlak naman sa 13-21 record.
Sa ibang game, hindi inalinta ng Washington Wizards ang pagkawala ng kanilang best player upang masilat ang isa sa top team sa east na Miami Heat, 123-105.
Sinamantala ng Wizards (10-22) ang inalat na karibal kahit wala ang kanilang leading scorer na si Bradley Beal.
Sa halip sumandal ang Wizards kina Garrison Mathews na nagtala ng season-high na 29 points at Ian Mahinmi na may career-best na 25 points.
Aminado naman si Goran Dragic na hindi naipakita ng Miami (24-9) ang pamatay nilang opensa at matibay na depensa.
Nanguna sa Heat si Jimmy Butler na may 27 points habang sina Duncan Robinson ay nagtapos sa 16 at si Bam Adebayo ay nagpakawala ng 14 points at 14 rebounds.