Tuluyan nang inalis ng Bureau of Internal Revenue ang e five-year validity period para sa Electronic Certificate Authorizing Registration .
Ito ay bilang bahagi ng hakbang ng ahensya para mabawasan ang mga pasanin ng taxpayers.
Kaugnay nito ay nilabas ng BIR ang Revenue Regulation 12-2024 dahil inanunsyo nito na ang lahat ng Electronic Certificate Authorizing Registration ay valid hanggang sa presentasyon nito sa mga concerned Registry of Deeds at tanging ang mga CAR na inisyu sa labas ng eCAR System ang papayagang ma-revalidation.
Ang Certificate Authorizing Registration na inisyu ng BIR ay nagpapahintulot sa Land Registration Authority (LRA) na ilipat ang pagmamay-ari ng mga real property na ginawa sa pamamagitan ng pagbebenta, donasyon at iba pang paraan ng paglilipat.
Ayon sa BIR, ang CAR ay patunay na naiulat ang paglilipat ng ari-arian, at lahat ng kinakailangang buwis ay binayaran nang buo ng taxpayers
Habang ang eCAR ay may naka-embed na barcode na ginagamit ng LRA para i-validate ang data na kailangan para magpatuloy sa pagproseso at pag-isyu ng bagong titulo ng ari-arian.