-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay na nang mahukay ng mga otoridad ang isang limang taong gulang na bata na nahulog umano sa isang imburnal sa Cebu City.

Kinilala ang biktima na si John Clark Ebua, na nalaglag daw sa bahagi ng Tagunol Bridge at inanod sa kalapit na imburnal.

Batay sa ulat, naglalaro ang bata sa labas nang anurin ito ng malakas na daloy ng tubig dulot ng malakas ding ulan.

Sinasabing nahulog kasi ang laruang bola na hawak nito at nang tangkain na kunin ay nahulog ito sa imburnal.

Aminado ang pulisya mula sa Cebu City Disaster Office na nahirapan silang mahanap sa bata matapos ang hindi tugmang ulat na kanilang unang natanggap.

Ayon kay Councilor Dave Tumulak, gumamit pa ng backhoe ang search and rescue operation para mahanap ang labi ni John Mark.

Sa kabila ng sinapit ng biktima, nagpasalamat pa rin ang mga magulang nito sa mga tumulong para mahanap ang menor de edad.