-- Advertisements --

Nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang Pilipinas sa nalalapit ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ito ay dahil sa pawang mga babaeng mga atleta ang nakatakdang dumalo sa parada sa opening ceremony sa Mayo 5.

Nilimitahan lamang kasi ng organizers ng Cambodia SEA Games ng hanggang 50 atleta lamang ang paparada sa opening ceremony.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na tanging tatlong lalaki lamang ang sasama sa parada na bukod sa kaniya ay kasama sina chef de mission Chito Loyzaga at isang flag bearer na kanilang iaanunsiyo sa mga susunod na araw.

Susuotin ng mga babaeng atleta ang barong na dinesesnyo ni Francis Libiran.