-- Advertisements --

Nailigtas ng mga kapulisan ang may 50 babaeng dayuhan na nagtatrabaho sa isang prostitution den sa Roxas Boulevard, Parañaque City.

Sinuyod ng mga kapulisan ang 3-storey building sa lugar kung saan nagtatrabaho ang mga kababaihan.

Karamihan sa mga dito ay mga Chinese na ang mga parokyano din ng mga ito ay mga kapwa Chinese din.

Inihahanda na rin ng mga kapulisan ang kaso laban sa nasabing mga nasa likod ng pag-operate ng prostitution den.