-- Advertisements --

May panibagong 50 na mga Filipino sa ibang bansa ang nadapuan ng coronavirus 2019 o COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umaabot na ito sa kabuuang 8,679 ang nadapuan ng virus.

Pumalo na rin sa 5,201 ang gumaling na sa virus habang mayroong 577 ang nasawi.

Nananatili pa rin ang Middle East sa lugar na may pinakamaraming kasong naitala.

Patuloy pa rin ang panawagan ng DFA sa mga Filipino na nasa ibang bansa na mag-ingat palagi para hindi na sila madapuan pa ng virus.