-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Inaalam na ng mga otoridad sa Sultan Kudarat ang kabuuang halaga ng danyos na iniwan ng malalakas na hangin at ulan sa 50 bahay na nasira sa Tacurong City.
Batay sa inisyal na datos ng Tacurong City Disaster Risk Reduction and Management Council ilang tahanan ang sinira ng nagdaang ulan at hangin sa lugar.
May mga puno rin umano na nabuwal sa ilang barangay.
Sa ngayon patuloy ang clearing at relief operation sa mga apektadong residente.
Wala namang naitalang nasaktan o sugatan sa insidente.