-- Advertisements --

4th ID

Nasa 50 mga dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) at kanilang mga dependents ang nabakunahan kontra sa COVID-19 sa tulong ng iba’t ibang unit ng 4th Infantry Division ng Philippine Army.

Ayon kay 4th ID commander M/¥¥¥¥Gen. Romeo Brawner, ito ay bilang pagtupad sa kanyang alok na libreng bakuna para sa mga miyembro ng kilusang komunista na magbabalik loob sa gobyerno at isuko ang kanilang armas.

Sinabi ni Brawner, noong nakaraang linggo, 11 dating rebelde at anim nilang dependents ang binakunahan ng 88th Infantry Battalion (88IB) sa koordinasyon ng L8⁰GU ng Maramag, Bukidnon; at 15 naman ang nabakunahan ng 58th Infantry Battalion (58IB) sa tulong ng LGU ng Claveria sa Misamis Oriental.

4thID1

Tumulong din ang 75th Infantry Battalion (75IB) sa pagbabakuna ng pitong dating rebelde at dating commander ng Sub Regional Sentro De Gravidad (SRSDG) Westland ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa San Miguel, Surigao del Sur.

Ang 23rd Infantry Battalion ay nag-facilitate din ng pagbabakuna ng anim na dating rebelde at 4 nilang dependents sa Buenavista, Agsuan del Norte.

Ang alok ni Gen. Brawner na bahaginan ng kanilang alokasyon ng bakuna ang mga miyembro ng kilusang komunista na susuko ay matapos na matuklasan na positibo sa virus ang pito sa 14 na nahuli at isa sa apat na namatay na komunista sa engkwentro sa Bukidnon kamakailan.