-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa mahigit 50 drum ng langis ang nakolekta ng mga residente at Philippine Coast Guard sa Caluya, Antique.
Ito ay upang masugpo ang pagkalat ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na malaking tulong ang inilagay na oil spill boom sa baybayin.
Ayon kay Train, maliban sa 50 mga drum, nakakolekta rin sila ng halos 200 sako ng langis sa tatlong isla sa Caluya, Antique.
Aniya, inaasahan na madagdagan pa ang nasabing bilang dahil patuloy pa aniya ang oil spill sa lugar.
Nanawagan rin sila ng donasyon ng mga drum at oil spill boom.