BACOLOD CITY — Umabot sa 50 ang mga successful blood donors na sumali sa bloodletting activity ng Philippine Red Cross in partnership with Dugong Bombo sa Barangay 4, Himamaylan City, Negros Occidental kahapon.
Ayon kay Dr. Anna Mae Quilantang ng Philippine Red Cross Negros Occidental chapter, naabot nila ang kanilang target na 50 successful blood donors.
Dagdag pa nito na ang Himamaylan City ay isa sa mga local government unit sa Negros Occidental na aktibo sa blood donation program.
Ayon pa kay Quilantang na kasama sa top 5 Sandugo Award sa Western Visayas ang Himamaylan City.
Labis naman ang tuwa ng first successful blood donor na si Ronnel Bitco ng Zone 7, Barangay 1, Himamaylan City dahil nakapakuha na ito ng dugo sa unang pagkakataon.
Aniya, matagal na niyang gustong magdonate ng dugo ngunit hindi siya kwalipikado dahil isa siyang OFW.
Ngayon na nakapanatili ito sa bansa ng mahigit isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, pinayagan na siya ng Philippine Red Cross na makapakuha ng dugo.
Nabatid na ang lungsod ng Himamaylan ay regular na nagsasagawa ng bloodletting activity kada buwan.