-- Advertisements --

Target ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makapagtayo ng 50,000 na bagong towers para maging mas maayos ang telco services sa bansa.

Ayon kay DICT Secretary Eliseo Rio Jr. hangad nilang maging gayahin ang Vietnam na mayroong 70,000 cell sites.

Pero iginiit ni Rio na mangangailangan ng $4.5 billion na investment para matuloy ang pagtayo sa ilang libong bagong cell towers.

Sa ngayon, ang Pilipinas aniya ang may pinakababang density sa Asean region sa 0.14 per 1,000 subscriber.

Malayo ito kung ikumpara sa 0.5 mark per 1,000 subscriber, kaya kailangan na magkaroon daw ng dagdag na 50,000 cell sites para makamit ito.

Samantala, sinabi ni Rio na papahintulutan nila ang mga private firms na magtayo ng bagong mga towers upang hindi na rin gumastos pa ang pamahalaan.