-- Advertisements --

Nagbigay ang Department of Trade and Industry (DTI) ng nasa 50,000 na face mask sa Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing mga face mask ay bilang donasyon na ipapamigay naman ng PNP sa mga naaaresto nilang walang suot na face mask.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na handa silang tumulong sa kakulangan ng face mask ng PNP.

Magugunitang ipinag-utos rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng mga face mask para sa mga naaaresto ng PNP na hindi nagsusuot ng mga face mask.