Naluha sa galak ang 49 anyos na si Ginoong Aquino Imperial ng Arabiat, Echague, Isabela matapos na tanggapin ang 50,000 pesos na regional prize sa One Two Panalo Year 19 promo sa awarding ceremony kaninang umaga.
Ayon kay Ginoong Imperial, malaking tulong sa kanyang pamilya ang napanalunang premyo.
Sinabi niya na talagang ipinagdasal nila sa Poong Maykapal na manalo sila sa promo.
Dahil naitaon aniya na Linggo noon ay dinala nila sa simbahan ang mga entries bago inihulog sa dropbox.
Nagkatoto aniya ang panaginip niya noon na nanalo siya sa grand draw.
Si Ginoong Aquino Imperial ay construction worker at gumagawa rin ng mga walis tambo na ibinebenta nila ng kanyang misis.
Kasama ni Ginoong Imperial na nagwagi ng regional prize sina Kathryn Labrador ng Lapaz, Iloilo City, sa pamamagitan ng Bombo Radyo at Star FM Iloilo.
Sa Mindanao ay si Julius Caesar Macapinlac ng General Santos City, tagapakinig ng Bombo Radyo General Santos.
Sa National Capital Region ay si Marina Revaner ng Payatas, Quezon City, tagapakinig ng Star FM Manila.