-- Advertisements --
Nakatakdang dumating sa bansa ang karagdagang 50,000 doses na Sputnik V vaccine na gawa ng Russia sa Mayo 30.
Ayon sa National Task Force against COVID-19 sakay ng Qatar Airways flights ang nasabing bakuna at inaasahang lalapag ng 11 ng gabi ng Mayo 30 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ito na ang pangatlong batch ng bakuna na gawa ng Gamaleya Institute ng Russia.
Ang unang batch na 15,000 doses ay dumating noong Mayo 1 habang ang pangalawa ay noong Mayo 12.
Agad na dadalhin ang mga bakuna sa storage facility ng Marikina City ang nasabing mga bakuna dahil sa nangangailangan ito ng mas malamig na paglalagyan.