-- Advertisements --
Nagbigay ng nasa P2.8 milyon o $50,000 ang gobyerno ng Singapore bilang tulong sa mga biktima ng lindol sa Morroco na nagresulta sa pagkamatay ng nasa 2,000 katao at 1,400 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Sa sulat ni Singaporean Foreign Affairs Minister Vivian Balakrishnan, nagpahayag ito ng pakikiramay sa bansang Morocco at sa mga pamilya ng mga nasawing indibidwal.
Maglulunsad naman ng isang fundraising appeal ang Singapore Red Cross para sa mga naapektuhan ng lindol.
Isang 6.8 magnitude na lindol ang tumama noong Biyernes sa bulubunduking lugar sa timog-kanluran ng Marrakech, Morroco.
Itinuturing itong deadliest earhtquake na tumama sa bansa sa loob ng mahigit anim na dekada.