-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang ginawang assessment ng mga opisyal sa Brgy. Limaha nitong lungsod kasama ang kina-uukulang ahensya ng pamahalaan upang malaman ang tamang bilang ng kabahayang natupok ng apoy kanina sa Purok 7, Brgy. Limaha pati na ang bilang ng mga apektadong pamilya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Limaha Brgy. Kapitan Jhon Rosales, na sa inisyal niyang pagsusuri, tinatayang aabot sa 50 kabahayan ang natupok ng apoy kungsaan may ilan g bahay na may nakatirang apat o mahigit pang pamiya.

Nagsimula umano ang apoy sa bahay ni Luzviminda Senados na agarang kumalat dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga ito.

Nanawagan siya sa lahat na magbigay ng kanilang maitutulong dahil karamihan sa mga nasunugan ay walang nadalang kagamitan dahil sa sobrang bilis ng paglaki ng apoy.