-- Advertisements --

LA UNION – Mahigpit ngayon ang babala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) RO1 sa mga 4Ps benificiaries na huwag gumawa ng paglabag na mag-aalis sa kanila sa listahan ng mga tumatanggap ng cash grant.

Ginawa ni Pantawid Information Officer Jaecem Gaces ang pahayag kasunod ng pagdami ng mga reklamo na natatanggap ng opisina hinggil sa mga benipisyaryo na umano’y nagsasanla sa kanilang 4Ps card at mga nagsusugal.

Sa katunayan aniya, noong buwan ng Mayo lamang, aabot sa 50 mga kaso ng misbehave partikular ang card pawning at gambling ang natanggap ng DSWD regional office.

Iginiit ni Gaces sa panayam ng Bombo Radyo La Union, na maging compliant ang mga 4Ps benificiaries sa mga patakaran ng cash grant at itigil ang mga iligal na gawain, kung nanaisin pa ng mga ito na manatiling recipient sa naturang programa ng gobyerno.