CENTRAL MINDANAO-Kinumpirma ni Integrated Provincial Health Officer Dr. Eva Rabaya na abot na sa 50 ang kompirmadong covid case positive sa President Roxas Cotabato.
Sa kanyang ulat sa harap ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) sinabi ni Dr. Rabaya na 93 katao ang sasailalim sa swabbed test for RT-PCR, at 78 na nakolekta ng IPHO katuwang DOH. Basi sa pinakahuling resulta, abot na sa 50 ang nagpositibo.
Ipinaliwanag ni President Roxas Mayor Jonathan Mahimpit na nagpatupad na sila ng Focus Containment sa Barangay Idaoman na siyang nakitang sentro ng pinagmulan ng insidente.
Nilinaw naman ni MHO Chief Dr. Dominic Laus, may sistema na ipinapatupad sa lugar upang maaring makapamili sila ng mga pagkain at mga pangangailangan sa bahay. Mabilis din ang contact tracing na ginawa at nagpapatuloy ito.
Aprobado rin ng PIATF ang pagbuo ng sistema sa pagitan ng mga LGU upang matulungan ang President Roxas sa kailangang isolation facility, contact tracing at dagdag na health personnel na magsilbi sa kasabay ng pagbabakuna at pagtutok sa mga pasyente.
Nag-ugat ang pagdami ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit sa bayan ng President Roxas sa mga dumalo sa lamay sa Brgy Idaoman kung saan may mga galing pa sa Davao City,Bukidnon at General Santos City.